Thursday, April 28, 2011

Noong "Artista" pa si Kuya A

Ito ang una kong performance (pro-bono) para sa
celebration ng International Mental Health Day.
Sa Rajah Sulayman Park ito ginanap.
Well mga ka-epal, naging mala artista na rin ang buhay ko - maraming drama, comedy, action, horror at sci-fi (?). Looking back, noong nasa Cebu pa ako naging maganda naman ang buhay ko doon at kahit na GGB (gulo-gulong buhay) dahil sa trabaho at adbokasiya, natutuwa akong isipin na naging artista kumbaga din ako (seriously! hahaha).

Noon kasi halos every weekend meron akong mga "gigs" o yung mga shows. It's either I sing, host or judge a competition. And take note every weekend ito kaya naman during that time na I was a university instructor hindi ko alam paano hahatiin ang katawan ko. Pero in all honesty, gusto ko ang ginagawa ko.

Ang picture na to ay noong nag-audition ako sa isang original
stage play para sa mga nurses, and I got one of the lead roles
pero di ko rin tinuloy kasi I left for Manila already.
Bilang Singer/Hosting 

Mainstay artist/singer/host at voice coach ako ng Metro Chain of Stores and umiikot ako noon sa tatlong malls nila, Metro Colon, Metro Mandaue at Metro Ayala. Mainstay voice & theatre coach din nila ako, 5 years for voice lessons at 1 year sa theater. I taught 6-16 years old kids and teens and that is every summer. And I totally miss that too. It was good pay ha kasi I'm teaching for only around 4 hours a day straight for two weeks and enjoy din nai man.

But what I miss the most and hindi ko pa nagagawa dito sa Manila ang magperform professionally. Way back sa Cebu, I perform sa malls na namention ko and other malls like SM City Cebu, Ayala Center Cebu and Gaisano Mactan. These are mall shows na kundi man may competition doon at guest singer ako or if not may special event ang mall. 

Hindi ako dancer, yan lang ata ang di ko talaga alam.
Pero sa picture na ito, napilitan akong sumayaw kasi faculty presentation
namin to sa university at Acquaintance Party ito ng College of Nursing namin.
Asiwa!
Marami na rin akong nakasamang artista sa aking munting pagtatanghal like sina Anne Curtis, Shirley Fuentes, Rica Peralejo, Agot Isidro, Rico Barrera, AJ Dee at nakaperform na rin ako sa mga local noontime show ng ABS-CBN Cebu noon. Hindi kasi ako mahilig ng mga pictures kaya konti lang ang natabi ko. 

Isa na dito ang mall show ni John Lloyd Cruz na kung saan ako ang host at nag front act para sa kanyang Cebu Mall Show kasama ko dyan si Hazel Brillantes ang kaibigan at co-host na kinuha ko dahil alam kong dead na dead sya kay Papa Lloydie.

Hosting for John Lloyd Cruz's Cebu Mall Tour
Isa pang pic kay John Lloyd, ang mga tao nito ay di magkamayaw!
After ito ng show. Si Hazel ay naging ka-duet ko na rin noon sa
Mr. & Ms. Southwestern University 2007 
Isa pa sa mga naitago kong pictures ay ang pag-host ko din kay Iza Calzado na talaga namang napaka ganda at napaka bait. Imagine mo nakatayo lang sya sa backstage kasi ang mga back-up dancers nya ang pinapaupo nya. At sya pa ang nagpulot ng mga damit nila sa sahig nung nagrurush na ang mga dancers. Heto ang pic nung show

Nag-promote lang si Iza Calzado dito ng iniendorsong brand, Pink Soda
Autograph signing ni Iza Calzado
Voice Coaching

Limang taon akong naging mainstay sa Metro Chain of Stores bilang voice coach nila sa kanilang Metro Summer Fun Workshop na kung saan nagtuturo ako ng isang batch ng mga bata in two weeks at every after noon ay nag-oorganize naman ako ng mga recitals nila. Nagsimula ako bilang isang mainstay singer nila after nilang magustuhan ang performances ko. After noon pinaturo nila ako ng voice lesson and nag-prepare ako ng module for beginners at yung swak din sa program nila. Umabot ako ang 5 years at nung mga 4th-5th year ko nagdoble ang mga students and this time I have to handle two batches every summer (6 batches in 3 malls). 

Nagturo din ako sa Arts DYNAmics Cebu, isang independent talents enhancement company na kung saan ako ang unang voice coach nila. Nakapagturo din ako sa Summer Workshop ng SM City Cebu noong 2008. Nakamiss ang mga bata kong students, lalo na yung mga makukulit hahaha. Pero take note, istrikto akong magturo LOL.

Concert

Noong September 2007 napasama ako sa isang concert ni Comm. Nonoy Libanan entitled "Music from the Heart: A Soulful Evening with Nonoy Libanan". In celebration na rin to ng Cebu-Korea Friendship Day. I was chosen to be one of the Cebuano Artists to sing at may mga counterpart kaming mga Korean singers (how cool!). Ito ang aking unang participation sa isang concert and it's unforgettable.
With Theresa, one of the Cebuano Artists. In fairness, payat pako dito!
Heto ang complete casts ng mga Cebuano at Korean singers sa concert
Heto ang picture namin after the concert with Shirley Fuentes na sya ring guest performer sa concert:
Kasama ko din dito si Bruce Bollozos ang director namin
at si Angel at Tere mga co-singers ko din.
Anyway may nakita akong isang recorded video ng finale song namin na "Heal the World" at ako yung guy dyan na naka pink na barong (eeemageeenee? Pink na barong?? Oh yes sa di ko maexplain na rason kung bakit sa lahat ng barong, pink pa talaga ang motif nila).

No comments:

Post a Comment