Friday, April 22, 2011

Si Sisa at ang RH Bill Froth

Kuya A:
Ito ay nagmula sa pagfofrothing ng aking isang magandang, mabait, mapagbigay, maasikasuhin, maalalahanin, mahangin, mainit, malamig, maamoy, malagkit, matamis, maalat at maasim na friendship - si SISA. Nagkausap kami tungkol sa RH Bill at kung may makukulong ba na doktor kapag inayawan nya ang kanyang pasyente na hindi man lang nagrerefer o nagrerekumenda sa ibang espesyalista. Ito ang kanyang frothing este pananaw.

*****
Sisa:
Ang magtatanong lang naman tungkol sa contraception ay ung may kelangan nun, in other words ung gustong i-manage ang pamilya dahil kaunti ang resources. In other words, ung "mahirap". In other words, ung walang gaanong alam sa batas. In other words, ung di nya alam na pwede palang i-reklamo ung doktor dahil sa ginawa nya!!! IN OTHER WORDS PARAGRAPH. Aalis lang ung tao na walang say at maghahanap ng iba. 


Eto ung conversation:

Pasyente: Doc, magtatanung po sana ako tungkol sa contraception.
Doc: Pasensya na, di kita matutulungan.
Pasyente: ah, ok ho. (*cue senti music* walks away. Sino bang mahirap ang gustong makipag-argument sa doktor? pag nagtanong naman...)
Pasyente: bakit po?
Doc: Kasi kasalanan un para sakin bilang isang Katoliko

(WHAT THE HELL, kung ako ung mahirap parang, "chong, katoliko rin kaya ako! Anu ka santa? na bawal madungisan o mabahiran ng kasalanan? tangna mo, halos magnakaw na nga ako para mabuhay tapos heto ha pinagkakaitan ako ng serbisyo para lang di ka magkasala. Putek! Eh bakit ka pa nagdoktor kung di ka makakatulong sa nangangailangan?? parang nagtatanong lang eh. pakyu" -kung ako ung mahirap, pero dahil gentle sila, malayong sabihin nila un dahil parang dyos nga ang dating sa kanila ng mga doktor, so plus point un para di sila makipag-debate)



Kung mayaman naman eh... WTF, hindi kelangan ng mayaman ng contraception! at malamang may impormasyon na sila tungkol dito. bakit sila pupunta sa doctor for a condom when they can make yaya buy it for them? DUH. Kadalasan din sa kanila ay may "suki" doctors na rin. Putek, kakasuhan mo ba ung long-time suki mo dahil lang dun?? Unless inagaw nya ung asawa mo kaya gusto mo syang paghigantihan. 

At malamang tulad ng middle class, alam din nila kung sino ung dapat nilang puntahan regarding that...
Pasyente: Walang hiya ka! Inagaw mo sa kin si Adolfo! Naturingan ka pa namang Kristiyano!
Doktora: Wala akong inaagaw sayo... Siya ang lumapit sa kin.
Pasyente: ganun ba?? Pwes bigyan mo ko ng contraception ngayon din!!
Doktora: Hayop ka! alam mo namang di ko yan kayang gawin dahil magkakasala ako sa Diyos!
Pasyente: Impokrita! *sampal* magkikita na lang tayo sa korte!
Doktora: ah! *holding cheek* may pambayad ako!
Pasyente: di un sapat para sa akin... gusto kong maghirap ka. maghirap ka ng 1 month to 6 months sa kulungan! hahaha!!!



Kung middle class, posible. Pero chill lang kasi sila. Alam nila ung tama pero malamang sila rin ung mas may alam kung saan unang pwedeng pumunta about contraception bago sila makapunta sa lecheng doktor na un! (Na sana eh masaya sa Australia habang lahat tayo sa Pilipinas ay naghihirap!)



LAHAT ng cases na un, halos imposible, PWERA na lang kung may kaibigan sya o sabihin na natin (para mas masaya) abogado na devil's advocate na magpop out of nowhere! At magconvince dun sa pasyente na...



Abogado/creepy friend:"Tol, tinanggihan ka nung doktor? gosh. Alam mo ba na pwede natin syang kasuhan dahil sa ginawa nya?"
Pasyente: Talaga ho? Pero parang di naman po grabe ung ginawa nya.
Abogado/creepy friend:Hindi, nasa batas un! *quotes & explains sec28*
Pasyente (1normal na pag-iisip): Ah, un po ba un? Hayaan na lang po natin. basta wala naman pong nasaktan eh. Respeto ko na po un sa paniniwala nya. -END-
Pasyente (2 medyo flip): Ahh... ganun ba? buwahaha! Sige! kasuhan natin sya! Gaga sya, tanggihan nya ko eh wala naman pala syang karapatang tumanggi!!!
Abogado/creepy friend: Ayan! kasuhan na natin sya, taralets! Advance payment mo muna ako.
Pasyente 2: Payment??? AY. wala po akong pera kahit po sa future eh malabong mabayaran ko kayo. I changed my mind wag na lang. See you around! - END-
Pasyente (3 psycho): wahaha! Sige bah! Uutang muna ako! O kaya isasangla ko ung wedding ring ko para lang mabayaran ka dahil mas mahalaga ang karapatan ko kaysa sa pera! wahaha!!! magbabayad sila!
Abogado: ayan... now we're talking.



So gaano kalayo bago humantong ung sitwasyon na un sa totoong buhay??? Sinong doktor ang makukulong dahil sa contraception? SINO? SINO? SINO? 

***FROTH FROTH FROTH***

No comments:

Post a Comment