Tuesday, December 11, 2012

Pahayag ng Partido Liberal ukol sa naganap na pagpupulong kasama ang LP Congressional Caucus sa RH Bill


PAHAYAG NG PARTIDO LIBERAL UKOL SA NAGANAP NA PAGPUPULONG KASAMA ANG LP CONGRESSIONAL CAUCUS

Disyembre 11, 2012



Sa isang pagpupulong na naganap sa LP Headquarters ngayong hapon, pinamunuan ni Interior Secretary Mar Roxas at Budget Secretary Butch Abad ang isang diretsahang talastasan ukol sa RH Bill, kasama ang mga miyembro ng LP congressional caucus. Hinikayat ng liderato ng Partido Liberal, kabilang na sina House Speaker Sonny Belmonte at Majority Leader Neptali Gonzales, na bumoto at suportahan ng mga kongresista ang panukalang batas na ito, na layong bigyan ng kalayaang magpasya, at ng sapat na impormasyon at kalinga ang mga Pamilyang Pilipino ukol sa reproductive health. Inilatag rin dito ng mga pinuno ng LP ang kahalagahan ng RH Bill sa buhay ng milyun-milyong Pilipino, lalo na ang positibong implikasyon nito sa kalusugan at kaligtasan ng mga ina't kababaihan.


Ipinaala rin ni Secretary Roxas sa mga kongresista ang tinitindigang posisyon ng Pangulong Benigno S. Aquino III ukol sa usaping ito. Matatandaang kamakailan lamang, ay naghayag ng pagsuporta ang pangulo sa pagpasa ng RH Bill sa lalong madaling panahon. Sa huli, nanindigan ang Liderato ng LP, na huwag talikuran ang Pangulo sa isyu ng RH Bill, at bumoto para maipasa na ito sa mababang kapulungan. ###

No comments:

Post a Comment